The Infamous Reblog Issue
“I normally remove the credits, as in always. I think it’s just a matter of preference. OC ako e, I like my posts clean and concise :) Haha”
Hindi mo siguro naiintindihan :( Kahit man lang ‘yung original credit dapat hindi mo tanggalin… Sa tingin ko, hindi siya “matter of preference” kasi kung sa literatura ‘yan plagiarism na. Pero hindi kita mapipigilan kung ‘yan sa tingin mo…
Pwedeng sumingit?
Naiintindihan ko yung nagsabi na tinatanggal nya yung credits kasi OC sya. Ganon rin kasi ako. Sa tingin ko, karapatan na ng magrereblog yan kung isasama nya o hindi yung credits, as long as nireblog nya at hindi nya pinost as a new entry. Kasi hindi ba nakalagay naman sa “post notes” lahat ng naglike at nagreblog ng isang post? Diba kapag tiningnan ang “post notes” ay makikita naman kung sino ang original na nagpost at kung sino ang nagsubmit? Kung intensyon ng Tumblr na irequire ang lahat ng posts na isama yung credits na sinasabi nyo, edi sana hindi na lang editable yung field na yun.
Ang akin lang naman, wala naman talagang argrabyado kapag tinatanggal yung credit links na naaappend sa posts kapag nirereblog e. Dahil tulad nga ng sabi ko, kung gustong malaman ng isang user kung sino ang original na nagpost, makikita naman nya yun sa “post notes.” Plagiarism ba yun kung ang lalabas pa rin naman sa “post notes” ay “arianesantos reblogged username”? Hindi naman, diba? Dahil unang-una, from the word “reblog” itself, hindi ko naman inimply na ako ang original na nagpost ng isang entry.
At isa pa, hindi ba ang purpose naman ng Tumblr talaga ay ang padaliin ang pagshare ng content (at hindi ang magpataas ng Tumblarity)? Bakit magiging “kawawa” yung nagsubmit kapag tinanggal yung credit link sa kanya? Dahil ba hindi tataas yung Tumblarity nya? Naman. (Take note: credited pa rin naman sya sa post notes e.)
Pasensya na kung harsh. Medyo matagal na rin kasing issue ito e. Gusto ko lang magsalita in behalf of all OC people on Tumblr, dahil sa totoo lang, wala naman talagang masama sa paraan ng pagrereblog namin, nagkataon lang na masyadong Tumblarity-conscious ang ibang tao at hindi sapat sa kanila ang “username posted this” na nakalagay sa “post notes.”
Anyway, ako rin pala si colonopenparenthesis at ilang beses na akong nagreblog ng posts sa kayakongmagbasa. Wag kang mag-alala, kahit ganito ang tingin ko, hindi ko na binubura yung credit links simula nung nilagyan mo ng “Wag Tanggalin.”
Sana lang, wag mong iaccuse yung mga tao ng plagiarism. Alam kong kami ang minority dito at malamang marami ang magside sayo, pero hindi talaga plagiarism ang ginagawa namin. Maraming salamat.

Posted 2 years ago Notes